May posibilidad na maging super typhoon ang bagyong Egay ayon sa pagasa sa Martes.
Batay sa pinakahuling weather bulletin ng ahensya, huling namataan ang bagyo 665 kilometro Silangan ng Virac, Catanduanes, Taglay ang lakas ng hanging 75 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.
Habang kumikilos ito pakanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Sa ngayon wala pang tropical cyclone wind signal na nakataas sa bansa, ngunit sakaling magtaas ng wind signal posibleng abutin ito mula signal number 3 hanggang 4 partikular sa bahagi ng extreme Northern Luzon.