Lumobo sa 2,047 tonelada ng Sulfur Dioxide ang nailabas ng bulkang Mayon sa Albay simula nitong Sabado batay ito sa pinakabagong tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Linggo.
Ayon sa PHIVOLCS, ang mabagal na pag-agos ng lava mula sa bunganga ng bulkan ay naitala din nitong nakalipas na 24 oras, dahilan upang umabot sa 2.8 kilometro ang haba nito sa kahabaan ng MI-ISI at Bonga Gullies.
Habang 600 metro naman ang haba ng lava flow sa Basud Gully.
Sa ngayon 5 volcanic earthquakes na ang naitala, 158 rockfall events, at apat na pyroclastic density current.