Pumalo na sa higit dalawang bilyon ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura at pangisdaan ng bagyong Egay at habagat na tumama sa bansa.
Batay sa pinakahuling tala ng NDRRMC ₱832,816,645 mula sa kabuuang halaga ng pinsala ay sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Habang ₱1.191 billion naman ang naitalang pinsala sa imprastraktura sa Region 1, MIMAROPA, Regions 5, 6, 11, 12 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Samantala , umakyat din sa 164,430 pamilya o katumbas ng 582,288 indibidwal ang bilang ng mga apektado at 9,429 kabahayan ang nasira at 376 mula sa mga ito ay lubos na nasira.
Nabatid na nakalabas na ng bansa ang bagyong Egay sa Pilipinas ngunit nasa red alert status ang NDRRMC at mga regional offices upang paghandaan naman ang bagyong Falcon.