Nagnegatibo sa pagtagas ng langis o oil spill ang sumadsad na M/TUG SEDAR 7 sa Palaui Island, Barangay San Vicente, Santa Ana, Cagayan.
Ito ang kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) kasunod ng isinagawang paunang oil spill assessment ng Marine Environmental Protection (MEP) Force matapos sumadsad sa mababaw na bahagi ng isla.
Nabatid na nailigtas ng mga tauhan ng PCG ang 11 crew members at ang kapitan ng nasabing tugboat.