Napanatili ng Globe ang pagiging mobile leader sa buong bansa matapos makapagparehistro ng halos 54 million sim users hanggang nitong July 30 ang pagtatapos ng 5-day grace period matapos ang pitong buwang registration.
Batay sa record ng National Telecommunications Commission, nakapagrehistro ang Globe ng 53, 727, 798 sim hanggang July 30 o mahigit isa punto dalawang milyong mas mataas sa ibang telcos.
Sa 5-day grace period simula July 26 hanggang 30 nakapagrehistro ang Globe ng halos apat na milyong sim na karamihan ay last minute nang nagparehistro matapos mabiktima ng identity theft samantalang abala ang iba pa sa kani-kanilang gawain.
Ayon kay Darius Delgado, Head ng Consumer Mobile business ng Globe, tagumpay nilang naabot ang pinakamaraming customers nila partikular sa malalayong lugar sa bansa para makapagparehistro na patunay nang pananatili nila bilang mobile leader sa bansa.
Ipinaabot din ni Delgado ang pasalamat sa kanilang customers sa pakikiisa sa registration para sama samang sagkaan ang spam, scam at iba pang uri ng online fraud.
Magugunitang nagkasa ang Globe ng iba’t ibang hakbangin para makatulong sa pagpaparehistro ng sim ng kanilang customers tulad ng online portal nitong https://new.globe.com.ph/simreg, Globeone app, Gcash at malawak na registration portal para sa enterprise customers.
Para maabot ang mga customers, nagpakalat ang Globe ng 1, 572 sim registration assistance desks para tulungan ang matatanda, PWD’s at walang internet access o gumagamit ng basic o feature phones na makapagparehistro bukod pa sa pagbubukas ng Globe stores at easyhubs sa buong bansa para sa walk-in customers na nangangailangan ng tulong para makapagpa rehistro ng kanilang sim.
Matapos mag-lapse and deadline at grace period lahat ng unregistered sims ay permanente nang deactivated at payo ng Globe na hindi umabot sa deadline bumili na lang ng bagong sim at magpa-register para sa activation at ma enjoy ang connectivity services.