Ngayon pa lamang ay mag-ipon at magtipid-tipid na ng tubig!
Dahil asahan na bukas araw ng Lunes ang water interruption sa ilang barangay sa Quezon City.
Batay iyan sa inilabas na abiso ng Maynilad Water Services sa mga customer nito kaugnay sa ipatutupad na water service interruption lungsod bukas.
Ito’y dahil sa ikakasang network maintenance sa mga apektadong lugar.
Kabilang sa mga ito ang barangay payatas na mawawalan ng suplay ng tubig mula Agosto 7 ng gabi hanggang alas-5:00 umaga ng Agosto 8, pati ang barangay Doña Aurora, sto. Domingo Tatalon, Mariblo, Sta. Lucia, Kaligayahan at Don Manuel, sa susunod na araw.
Bukod pa rito mawawalan rin ng tubig ang iba pang barangay hanggang August 14, kabilang ang barangay Nagkaisang Nayon, Sto. Niño, San Isidro Galas, San Bartolome , barangay Bahay Toro, Tandang Sora, Sta. Teresita, San Isidro Labrador, Nova Proper, at barangay Bagbag.
Samantala, bukod sa Quezon City kasama rin sa mga maaapektuhan ang mga consumer ng Maynilad sa lungsod ng Caloocan, Navotas, Valenzuela at ilang lugar sa Maynila.