Handang-handa na ang Pag-IBIG Fund para mabigyan ng ayuda ang mga miyembro nito kaugnay sa pagbubukas muli ng klase sa buwang ito.
Tiniyak ng Pag-IBIG ang pagkakasa ng cash loan o ang Pag-IBIG Multi Purpose Loan, kung saan sa nakalipas na buwan ng Hunyo nasa kabuuang 1,182,996 members nito ang nabigyan ng financial assistance na umaabot sa 26.17 billion pesos.
Sa nasabing halaga 3.61 billion pesos ang naipalabas ng Pag-IBIG Fund bilang tulong sa halos 135,000 members na may kinalaman sa tuition at enrolment fees at iba pang bayarin sa eskuwelahan.
Binigyang-diin ni Secretary Jose Rizalino Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at pinuno ng 11 member Pag-IBIG Fund Board of Trustees batid nilang sa Pag-IBIG maaaring tumakbo ang kanilang mga miyembro para sa agarang financial assistance lalo na kung may kinalamang sa pagbubukas ng klase kaya naman kaagad din nilang ikinasa ang Pag-IBIG Multi-Purpose Loan.
Ang mga hakbanging ito aniya ay bahagi ng direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos jr. Na makapagbigay sa mga pilipino ng maayos na buhay.
Sinabi naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta na nauunawan nila ang kalagayan ng Pinoy workers lalo na yung mga naghahanap ng pondo para sa mga kaanak na makapag-aral.
Inihayag ni ceo acosta na maaaring mag apply sa cash loan sa mahigit dalawandaang branch ng pag ibig gayundin sa online facility na virtual pag ibig at virtual pag ibig mobile app na bahagi ng lingkod pag ibig, tapat na serbisyo, mula sa puso.