Patuloy ang pamamayagpag ng globe bilang lider sa mobile
Ito ay matapos mapanatili ng Globe ang revenue Market Share (RMS) Leadership ng Globe simula pa ng huling quarter ng 2016 dahilan nang malakas na performance nito sa prepaid brands at patuloy na pangunguna kontra competitors nito.
Sa ikalawang quarter ng 2023, pumalo sa 54.6% mula sa 54. 3% nuong first quarter ang mobile rms leadership ng Globe at itinuturing na pinakamalaking agwat o margin sa kanyang mga katunggali.
Kasunod na rin ito nang pag-recover ng mobile revenues ng Globe matapos magbalik ang demand para sa mobile data kasabay nang muling pagbubukas ng ekonomiya.
Binigyang-diin ni Globe Group President at CEO Ernest Cu na ang pagsirit ng bilang ng kanilang customers ay bunsod ng misyon nilang mapanatili ang revenue market share leadership nila sa industriya na siyang pinagbabasehan ng mga opisyal ng Globe.
Naniniwala aniya siyang napanatili nila ang leadership position sa industriya sa halos pito taon na rin nang mabalik sa kanila ang estado bilang numero uno sa mobile nuong 2016 dahil sa mga tamang strategy na patuloy nilang ikinakasa upang maidepensa pa ang kanilang posisyon sa mga susunod pang taon.
Nangunguna ang Globe sa subscriber count matapos makapagparehistro ng 53.727 million sim hanggang nitong July 30 at ito ay halos 1.2 million na mas mataas sa pinakamalapit nitong competitor at sumasakop sa 99% ng active subscriber base nito.
Ayon naman kay Darius Delgado, pinuno ng consumer Mobile Business ng Globe malaking tulong sa kanilang pamamayagpag ang aniya’y inclusive at life enabling mobile services, first to market innovations at ecosystem of digital solutions na nagdadala ng unbeatable value sa alok nilang connectivity o holistic mobile leadership na globe lamang ang makapaghahatid.
Ang Globe ay nangunguna na sa pagbibigay ng market leading mobile offers na loaded with services beyond connectivity samantalang ang mula sa traditional call, text at data, ang Globe prepaid at postpaid plans ay may kasamang lifestyle vouchers at streaming offers.
Hatid ng Globeone app ang fully digital experience para sa customers nito at kung saan sila makaka-access ng pinakahuling promo, makakabili ng load, makakapag redeem ng globe rewards at makakakuha ng service support.
Para sa dagdag imporasyon sa mobile offers ng Globe bisitahin lamang ang https://www.globe.com.ph? At i-click lamang ang mobile tab.