Pormal nang inilunsad ng SM Supermalls at Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagpapalabas ng ‘Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) anti-drug advertisements sa SM Cinema sa SM Megamall Director’s Club.
Ang paglulunsad ng bida campaign ng DILG ay bahagi ng commitment ng SM Supermalls sa nilagdaang memorandum of understanding nitong buwan ng Mayo na pagpo-formalize sa public private partnership ng dilg at SM Supermalls konta iligal na droga.
Ayon kay SM Supermall Senior Vice President for Operations Engr. Bien Mateo, ang BIDA campaign ad ay ipapalabas nila sa lahat ng available digital assets ng SM kabilang ang 74 na SM Cinema branches sa buong bansa kung saan inaasahang makakakuha ng 40K monthly views mula sa tinatayang 2.5 million viewers samantalang nasa 53. 8 million exposures naman ang makukuha ng naturang ads sa social media at sariling digital assets ng SM.
Ilalagay din aniya ang electronic poster format sa mahigit 250 mall directories na malaking oportunidad para mapanuod ng mahigit apat na milyong customers araw araw.
Naninindigan ang SM Supermalls sa pagkakaruon nito ng drug free workplace para sa kanilang customers at employees kaya naman committed itong ipatupad sa lahat ng 83 SM malls sa buong bansa ang iba’t ibang hakbangin para burahin ang drug dependency kabilang ang mahigpit na security standards sa tulong ng well trained K-9 dogs.
Bukod sa mall security measures, naglatag rin ang SM Supermalls ng mga programa at activations na nakatuon sa pagpapaganda ng kalusugan tulad ng information dissemination sa pamamagitan ng Light Emitting Diode (LED) screens sa mga pangunahing lansangan at lcd o liquid crystal display screens sa loob ng mga mall gayundin ang employment oppportunities sa pamamagitan ng annual physical exams at random drug tests at pagkakaruon ng relaxing spaces at safe recreational activities.
Binigyang-diin ni DILG Secretary Benhur Abalos, Jr. na ang laban kontra droga ay hindi lamang labang gobyerno kundi laban din ng kada ina at ama para sa kanilang guro o laban para sa kinabukasan.
Para sa anti-drug programs and activations ng SM Supermalls bisitahin ang www.smsupermalls.com o bisitahin ang @smsupermalls sa social media.