Pinalakas pa ng SM store ang commitment nito para higit pang maisulong ang positibong impact sa local communities sa pamamagitan ng social responsbility sa taong ito.
Kasunod na rin ito nang pormal na paglulunsad ng SM store ng Shop&Share for a Sustainable Livelihood Program katuwang ang ACE Express.
Layon ng nasabing programa na ma empower ang mga magsasaka at suportahan ang agricultural community sa Zamboanga Sibugay sa pamamagitan nang pagdo-donate ng farming toolkit kapag nakabili ang shoppers ng 800 pesos na halaga ng items sa ace na maituturing na “Giving back” O pagbabalik sa komunidad.
Natutuwa naman at ipinaabot ni Bernard Ong, Pangulo ng ACE Hardware Philippines ang pagsuporta sa mga komunidad at mabigyan ang mga magsasaka na bahagi ng Philippine Social Empowerment and Equity Development Foundation Incorporated (PHILSEED) ng gamit para sa tuluy-tuloy na hanapbuhay nito upang mapaunlad din ang kanilang mga buhay.
Una nang nakipag-collab ang SM store sa PHILSEED Incorporated, kung saan ang isa priority projects nitong “The Cacao Project” na tatakbo ng 18 months ay nakatuon sa pagbibigay ng training para makatulong sa mga magsasaka na madagdagaman ang kaalaman sa agri business.
Sinabi ni Josh Mahinay, Chief Executive Officer ng PHILSEED na puspusan ang pagtulong nila para buhayin ang pagmamahala sa agrikultura ng mga magsasaka, kung saan hindi dapat maging hadlang ang kahirapan para bitiwan ang pagsasaka at patunayang isa itong magandang karera na dapat piliin dahil nakasalalay dito ang inaasam-asam na food security ng bansa.
Ipinabatid ni Mahinay na tinutulungan nila ang mga magsasaka sa pamamagitan nang pahingi ng assistance mula sa mga organisasyon tulad ng SM store at ACE Express na makapagbibigay ng pondo na kailangan ng mga magsasaka.
Ang SM store at ACE Express ay nakapag-turn over na ng 150 farming tool kits na mayruong shears at globes, mahigit 1,000 pack ng seedlines at dalawang generator sets sa indigent farmers ng Zamboanga Sibugay.
Binigyang-diin naman ni Dhinno Tiu, Executive Vice President ng SM store na mas pinatatag ng kanilang partnerships sa PHILSEED at ACE Express ang misyon nilang magbahagi at magsilbi sa mga komunidad sa mahigit 65 taon na.
Nagpapasalamat din aniya ang SM store sa suporta ng kanilang customers sa nasabing hakbangin upang mabigyan ng mga kinakailangang gamit ang mga magsasaka para mapalakas ang kanilang hanapbuhay kaya naman hindi nila bibitawan ang Shop &Share intiatives sa mga susunod na pagkakataon.
Ang Shop&Share for a Sustainable Livelihood ay simula pa lamang ng serye ng advocacy program ng SM Store upang mapalakas ang mga komunidad sa tulong ng stakeholders.