Tiwala si Senate President Franklin Drilon na hindi makakaapekto sa bilateral at diplomatic relations ang guilty verdict ng Olongapo RTC kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Sinabi ni Drilon na ginawa ang krimen ng isang indibidwal at tiyak na igagalang ng Amerika ang naging desisyon ng korte.
Binigyan naman aniya ng patas na oportunidad si Pemberton para idepensa ang sarili sa korte at may mga legal remedy naman ang kampo ng sundalo.
Suportado ni Drilon ang guilty verdict kay Pemberton dahil naniniwala siyang ibinase ito sa batas at kung ano ang makatuwiran.
Pinuri pa ni Drilon ang korte sa pagpapalabas ng desisyon sa tamang panahon.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)