IPINAKIKILALA ng Globe ang fully digital eSIM experience.
Ang transformative offering na ito ay mag-aalis sa abala ng pagkuha at paghawak ng physical SIM cards, kung saan ang pag-activate at pamamahala sa mobile services ay magiging simple na lamang.
Ang prepaid eSIM ay magiging available sa katapusan ng buwan na magpapalakas sa dedikasyon ng telco na pangunahan ang user-centric technological solutions.
Ang eSIM ay mabibili lamang via GlobeOne app, isang digital-exclusive strategy na nagbibigay-diin sa commitment ng Globe sa isang future-ready at streamlined user experience.
Sa GlobeOne app, ang pagbili ng eSIM ay magiging madali:
● Madaling mada-download ng users ang FREE app
● Gumawa ng GlobeOne account
● Mag-request ng bagong eSIM
Tinitiyak ng paglipat na ito sa digital-only model na ang mga customer ng Globe ay maililigtas sa abala ng pagbisita sa tindahan o physical SIM delivery.
“At Globe, we’re always looking ahead, anticipating the needs of our customers in an ever-evolving digital landscape. The prepaid eSIM captures our vision of a seamless, digital-first mobile experience, marrying innovation with convenience,” wika ni Darius Delgado, Head ng Consumer Mobile Business ng telco.
“The merits of the eSIM go beyond its digital nature. It allows users to install multiple eSIMs on selected devices and use two phone numbers at the same time. Plus, the eSIM can also be used in devices other than mobile phones such as smartwatches, allowing seamless connection under one mobile number.”
Ang teknolohiyang ito ay magagamit sa Apple Watch cellular, na magbibigay-daan sa Globe Prepaid iPhone users na lumabas gamit lamang ang kanilang Apple watch at manatiling konektado kahit hindi nila dala ang kanilang iPhone.