Umani ng positive comments mula sa netizen ang pamamahagi ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa mga mahihirap ng nasabat na smuggled rice.
Kahit mga opisyal ng gobyerno, ikinatuwa rin ang aksyong ito.
Paano nga ba makakatulong ang pamamahagi ng smuggled rice sa bansa?
Tara, suriin natin yan.
Best Deterrent o pang-discourage sa smugglers ang desisyon ni Pangulong Marcos na ibigay na lang ang mga nakumpiskang bigas ayon kay Bulacan 6th District Representative Salvador Pleyto.
I-dinistribute ni pangulong marcos ang nasabat na bigas sa mga residente at Local Government Units o LGUs sa Tungawan, Zamboanga Sibugay. Ayon kay Rep. Pleyto na miyembro rin ng House Agriculture and Food Committee, nagbibigay ang aksyong ito ng strong signal na walang lugar sa ekonomiya ang smuggling.
Ikinatuwa rin ng Grupong Bantay Bigas ang aksyong ito. Para kay Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, mas pabor ito kaysa sa pagbenta ng smuggled products sa Kadiwa Stores, gaya ng ginawa noon sa naipuslit na asukal.
Kung ibenta rin ang smuggled products, nabibigyan nito ng katwiran ang smugglers na ipagpatuloy ang kanilang gawain kung saan naibebenta pa ang mga naipuslit nila.
Bukod sa pagpigil sa smugglers, malaking tulong ang pamamahagi ng smuggled rice sa pangkaraniwang pilipino na malaking bahagi sa pang-araw araw na hapagkainan ang kanin. Ikinatuwa ito ng netizens na nagpapasalamat sa aksyon na ito.
Malaki ang negatibong epekto ng smuggling sa agricultural sector sa bansa kaya maganda ang naging hakbang ng pangulo na ipamigay na lang nang libre sa mga mahihirap ang mga nasabat na smuggled rice.
Ikaw, agree ka ba sa aksyon ni pangulong marcos na ipamahagi ang smuggled products sa mga mahihirap?