Usap-usapan at tunay ngang hinangaan sa social media ang pamimigay ng nasabat na smuggled rice ni Pangulong Marcos Jr. sa mga mahihirap na pamilya sa Tungawan, Zamboanga Sibugay noong September 19, 2023.
Hindi lang netizens ang natuwa sa aksyon na ito kundi ang grupong Bantay Bigas na nagsabing mas pabor ang pamimigay ng smuggled agricultural products sa mga nangangailangan kaysa sa pagbebenta nito. kung ibenta ang mga naipuslit na smuggled products, ipagpapatuloy lang ng smugglers ang iligal na gawain nila.
paano nga ba gagamitin ni pangulong marcos ang kamay na bakal laban sa economic saboteurs?
Tara, suriin natin yan.
September 21, 2023 na-certify as urgent Senate Bill mismo ni Pangulong Marcos Jr. ang Senate Bill No. 2432 o mas kilala bilang Anti-agricultural Economic Sabotage Act.
Sa kanyang liham kay Senate President Juan Miguel Zubiri, pinaspasan ng Pangulo ang batas na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa smugglers at hoarders. maproprotektahan din nito ang mga magsasaka at mangingisda mula sa mga mapagsamantalang traders at importers.
Life imprisonment at pagpataw ng multa na triple sa halaga ng mga sangkot na produkto ang parusa sa mga mapapatunayang guilty sa smuggling, hoarding, profiteering, at pag-cartel ng agricultural at fishery products.
Kung opisyal o empleyado ng gobyerno naman ang mapapatunayang sangkot sa economic sabotage, papatawan sila ng perpetual disqualification. hindi na sila papayagang humawak ng posisyon at tumanggap ng financial benefits mula sa gobyerno. hindi na rin sila pwedeng bumoto at tumakbo sa halalan.
Pinaspasan ni Pangulong Marcos Jr. ang Anti-agricultural Economic Sabotage Act dahil kasalukuyang nahaharap ang mga konsyumer sa pagtaas ng presyo at shortage sa agricultural products.
Bakit nga ba ang taas na ng presyo ng mga bilihin sa panahon ngayon? dahil ito sa mga gahamang nanabotahe ng ekonomiya. alam mo bang aabot ng 200-billion pesos ang nawawalang kita ng gobyerno dahil sa illegal smuggling? ito ay batay sa monitoring ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG. sila rin ang dahilan kung bakit maraming magsasaka ang patuloy pa ring naghihirap.
Ayon kay Pangulong Marcos, magtataguyod ang nasabing panukala ng productivity sa agriculture sector at proteksyon sa mga magsasaka at mangingisda laban sa mga walang prinsipyong mangangalakal at importers. matitiyak din nito ang makatwiran at abot-kayang presyo ng mga produktong agrikultural at pangisdaan para sa mga mamimili.
Kasama ang Anti-agricultural Economic Sabotage Act sa pinalawig na common legislative agenda na pinagpulungan noong ikatlong Legislative-Executive Development Advisory Council meeting.
Sa mga aksyon ng pangulo, tinitiyak niyang bababa ang presyo ng mga bilihin.
Kaya sa smugglers at iba pang nanabotahe ng ekonomiya, bilang na ang araw niyo dahil kapag naisabatas na ang Anti-agricultural Economic Sabotage Act, magkakaroon na ng mas mahigpit na parusa ang ilegal na gawain niyong nakakasama lalo na sa pangkaraniwang pilipino.
Ikaw, sang-ayon ka bang gamitan ng kamay na bakal ni Pangulong Marcos Jr. ang mga nanabotahe ng ekonomiya?