Mahihirapan ang China na habangbuhay na isnabin ang kasong isinampa ng Pilipinas sa Arbitral Court.
Ayon kay Ian Storey, expert sa South China Sea sa Institute of South East Asian Studies sa Singapore, kapag nanalo ang Pilipinas sa kaso nito laban sa China, maaari itong gamitin ng iba pang mga bansa upang i-pressure sa iba pang mga isyu ang China.
Ang kasong ito aniya ay unti-unting nakakakuha ng pansin sa buong mundo lalo na sa mga bansang may isyu laban sa China dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay binigyang pansin ng international court ang matagal nang bangayan at agawan ng mga bansa sa South China Sea.
By Len Aguirre