September 23, 2023 inilunsad ang pinakamalaking service caravan sa Pilipinas. Ito ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. agad naman itong umani ng papuri sa social media mula sa mga netizen.
Ano nga ba ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair at paano ito makakatulong sa mga kababayan natin?
Tara, suriin natin yan.
Sabay-sabay na inilunsad ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Camarines Sur, Ilocos Norte, Leyte, at Davao de Oro. Sa caravan na ito, mabibigyan ng tulong medikal, pinansyal, at edukasyon ang mga mahihirap.
Layong magbigay ng pangunahing serbisyo ng gobyero ang nasabing programa para sa mga lubos na nangangailangan sa iba’t ibang komunidad sa buong bansa.
Ayon sa isa sa principal organizers ng serbisyo fair na si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, hangad nilang magdala ng higit sa 60 Government Services sa 82 na probinsya sa buong bansa.
Ano nga ba ang mga tulong na natanggap ng mga kababayan natin sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair?
Halimbawa dito ang pamamahagi ng Bureau of Fishery and Aquatic Resources ng fish cage at motorized boats para sa mga mangingisda sa Camarines Sur.
Namigay rin ang Department of Health ng wheelchairs para sa Senior Citizens at Persons with Disabilities.
Hindi naman nakalimutan ng pangulo ang mga kababayan nating magsasaka. Namahagi ng tractors, harvester, hauling trucks, at iba pang makinarya at kagamitan sa sakahan ang Department of Agriculture, Philippine Coconut Authority, Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization, at National Dairy Authority.
Featured rin sa caravan ang flagship programs ng gobyerno gaya ng kadiwa ng Pangulo, Passport on Wheels, National Id, Nbi, and Driver’s License Registration and Assistance, at iba pa.
Tunay ngang kahanga-hanga ang programang ito ni Pangulong Marcos kaya approve na approve dito ang mga netizen. Aniya, isa lamang ang serbisyo fair sa mga unang hakbang ng pamahalaan para magkaroon ng bagong pag-asa at bagong simula ang mga pilipino.
Sabi nga niya, “magkakahiwalay man ang ating mga isla, pinagbubuklod-buklod naman tayo ng isang diwa at isang pangarap: Isang Bagong Pilipinas para sa Bagong Pilipino.”
Ikaw, agree ka bang maraming pilipino ang makikinabang sa serbisyo fair?