Ilalapit pa ng Globe sa mga Pilipino ang kanilang pangarap sa pamamagitan ng mas malaking G chance the raffle ngayong taon.
Ito ay bilang pagdiriwang sa taunang 0917 festivities kung saan ang mga exciting prizes ay makabubuhay pa ng passions, makapagpapasimula ng mga negosyo at maikakasa ang digital enablement.
Sa ikalimang taon, bibigyan ng G chance the raffle ang Globe customers ng pagkakataong makapag-drive ng sariling Gogoro smartscooter at isang BYD Dolphine Pure EV na paraan para makaagapay sa transportasyon.
Para naman sa mga travel bug, uubrang mag biyahe sa business class trip pa-Japan sa pamamagitan ng all Nippon Airways na mayruong Klook credits para makumpleto ang kanilang accommodations at experiences bukod pa sa pagkakataong manalo ng biyahe for 2 pa-Hong Kong at Singapore via Klook at ang mga byaheng ito ay mai-enjoy sa free roaming subscription para matiyak ang connectivity saan mang lugar sila mapadpad.
Maaari ring ma-experience ang premium weekend getaway pa coron at samal sa pamamagitan ng Klook at magarbong accommodations mula sa discovery resorts.
May tsansa ring mai-transform bilang intelligent homes of the future ang living spaces via Globe at Home kapag nanalo ng intelligent home package na kinabibilangan ng mesh bundles at Xiaomi devices tulad ng 55 inch TV, soundbar, robot vacuum at iba pang na maaring i-install ng tech experts ng Globe Home Squad bukod pa sa kaya mo now package kung saan kasama ang Gfiber prepaid, gfibersurf999 unli internet sa loob ng 30 days at MI 23.8 inch desktop monitor 1C.
Para naman sa mga budding entrepreneurs at vloggers may pa-raffle na starter pack na kumpleto na sa devices, subscriptions sa iba’t ibang importanteng business tools tulad ng Canva pro at rush’s spark lite e-store platform bukod pa sa exclusive invitations to learning experiences mula sa industry giants tulad ng Canva, Meta, Rush, Tiktok at Youtube.
Swak din sa shoppaholics ang G chance the raffle para makapag-shopping spree sa Puregold o makaipon ng sangkatutak na points and credits kabilang ang 10,000 globe rewards points, 10,000 zing points at 10 thousand Gcash credits.
Binigyang-diin ni Jerome Patalud, Head ng Globe Rewards na hindi lamang game of luck ang G chance the raffle kundi patunay ito ng commitment ng Globe sa kanilang customers, kung saan ang aspirations at passions ay tinutugan ng mobile leader sa pamamagitan ng exciting prizes.
Kaya naman aniya sa mga panahong ito ay misyon ng Globe na pag-ugnayin o ilapit ang kanilang customers sa mga pangarap nito o sa madaling salita ayon sa mobile leader – let’s make your biggest dreams happen!
Para sa dagdag pang impormasyon sa G day events at kung paano makakasali, i-download lamang ang Globeone app o bisitahin ang glbe.co/gdayeveryday