Sa mga sunod-sunod na direktiba ni Pangulong ‘Bongbong’ Marcos Jr. na pabor sa mga magsasaka at konsyumer, masasabing pro-farmer government ang Pilipinas.
Paano nga ba nasabing pro-farmer government ang bansa?
Tara, suriin natin yan.
Matatandaang nakatanggap ng mga papuri galing sa netizens ang pagtutol ni Pangulong Marcos Jr. sa pagbaba ng taripa o buwis sa imported na bigas. Sa ilalim ng Republic Act 11203 o Rice Tariffication Law, 35% tax ang ipinapatong sa imported rice. Kamakailan nga lang, iminungkahi ng Department of Finance (DOF) na temporarily pababain ang taripa ng 0% to 10%. Ibinasura ni Pangulong Marcos Jr. ang panukalang ito dahil kung ipatupad ito, magiging kawawa ang mga magsasakang Pilipino.
Kung pababain o tanggalin ang buwis sa bigas, posibleng mag-import na lang ang retailers kaysa bumili na lang sa mga magsasaka. Magiging lugi ang mga magsasaka rito. Ayon kay Pangulong Marcos Jr., rice importers lang ang makikinabang sa panukalang ito at hindi ang mga magsasaka natin.
Matatandaang viral din sa social media ang pag-anunsyo ni Pangulong Marcos Jr. ng paggamit ng kamay na bakal laban sa smugglers at hoarders sa pamamagitan ng pag-certify as urgent bill ng Senate Bill No. 2432 O Anti-Agricultural Economic Sabotage Act. Smuggling at hoarding ang isa sa mga dahilan kung bakit nabubuhay nang mahirap ang mga magsasaka natin. Sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, mapapalawig ang productivity ng mga magsasaka at maproprotektahan sila laban sa mga gahamang traders at importers.
Ngayon naman, inutusan ni Pangulong Marcos Jr. ang Department of Agriculture (DA) na gawing priority ang pagtatayo ng Farm-to-Market Roads (FMR) para sa mas efficient na transport ng agricultural products. Iginiit niya na dapat laging on-track ang pamahalaan sa National Farm-to-Market Roads Network Plan.
Ang National Farm-to-Market Roads Network Plan ang nagsisilbing guide ng gobyerno para sa implementasyon ng mas maayos na transport ng agricultural at fishery products mula sa sakahan o pangisdaan, patungong merkado, at eventually, sa hapagkainan ng pamilyang Pilipino.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr., hindi maayos ang mga kalsadang madalas daanan ng mga produktong pang-agrikultura. Ito ang balak ayusin ng kanyang administrasyon para sa mas convenient na pagdala ng mga produkto sa merkado.
As of October 2022, 51% ng target o higit sa 67,000 kilometers ng farm-to-market roads ang natapos na ng Department of Agriculture at iba pang ahensya. Lagpas 131,000 kilometers ang kabuuang target ng pamahalaan na matapos na farm-to-market roads. Mahalaga ang proyektong ito para mabigyang serbisyo ang 14 million hectares production areas ng agriculture at fishery sectors.
Iginiit ni Pangulong Marcos Jr., priority ng gobyerno ang pagtulong sa mga Pilipinong magsasaka. Siniguro rin niya na hindi niya bibitawan ang Department of Agriculture dahil marami pa siyang aayusin sa sistema ng ahensya. Sinisikap niyang maitatag ang emergency measures para patuloy na mabigyan ng tulong at suporta ang mga magsasaka.
Mula sa pagsasaayos ng mga daanan papuntang merkado, mahigpit na pagbabantay at panghuhuli sa smugglers at hoarders, hanggang sa pamimigay ng mga nakumpiskang smuggled rice sa mga nangangailangan, makatitiyak tayong pro-farmer government na ang bansa at isa ito sa mga daan papunta sa Bagong Pilipinas.
Ikaw, suportado ka ba sa pagiging pro-farmer government ng bansa?