Tinapos na ng Philadelphia 76ers ang makasaysayan nilang sunud-sunod na pagkatalo makaraang muling palasapin ng talo ang Los Angeles Lakers.
Pinadapa ng Philadelphia ang Lakers sa iskor na 103-91 sa pangunguna nina Jerami Grant at Nerlens Noel na nakapagbaon kapwa ng tig -14 na puntos.
Samantala, hindi naman sumapat ang 20 puntos ni Lakers Star Kobe Bryant para mai-angat ang kanilang koponan.
Matatandaang ito ang unang laban ng Lakers matapos ianunsyo ni Bryant ang kanyang pagreretiro.
By Ralph Obina