Patuloy ang pag-angat ng kakayahan ng Pilipinas sa pagdepensa sa ating mga teritoryo sa karagatan.
Ito ang ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior matapos dumalo sa ika-122 anibersaryo ng Philippine Coast Guard.
Sinabi ni PBBM, na ipinagpapatuloy ang pag-upgrade ng kagamitan, pagsasanay, at pagpapalakas ng Philippine Coast Guard.
Aniya, hindi lamang nasa unang linya ng depensa ang ahensya sa kasalukuyang mga problema sa agawan sa teritoryo, kundi pati na rin sa mahalagang papel nito sa search and rescue, mga aksidente sa karagatan, at disaster assistance.
Ipinagmalaki rin ng Presidente ang bagong sasakyang pandagat o ang idaragdag na 40 units na patrol boats habang patuloy aniyang ina-upgrade ang iba pang mga kagamitan pandagat.