Palalakasin ng pamahalaan ang health facilities at services sa buong bansa.
Sa pamamagitan ito ng inilaang 22.98 bilyong pisong pondo, sa ilalim ng panukalang 2024 pambansang budget, na gagamitin sa health facilities enhancement program ng Department of Health.
Binigyang diin ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, na gagamitin ang pondong ito sa pagpapatayo, pag-upgrade at pagpapalawak ng healthcare facilities na pinatatakbo ng gobyerno.
Ilalaan din ang pondo sa pagbili ng mga kagamitan sa ospital at medical transport vehicles.
Prayoridad din ng programa ang universal health care sites at geographically isolated and disadvantaged areas, gayundin ang pag-upgrade ng mahahalagang pasilidad para sa matatag na mga hakbang sa pagtugon sa virus cases.