Kamakailan lang, nag-viral sa social media ang pagbebenta ng 25 pesos per kilong bigas sa Negros Occidental. Ngayon naman, ipinatupad na rin sa Cebu ang plataporma ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na gawing mas abot-kaya ang presyo bigas para sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbebenta nito sa halagang 20 pesos per kilo.
Maituturing na Cebu ang kauna-unahang lalawigan na nakatupad sa campaign promise ni Pangulong Marcos Jr. na gawing 20 pesos per kilo ang local rice.
Ayon kay Governor Gwen Garcia, naglaan ang provincial government ng 100 million pesos budget para makabili ng bigas mula sa National Food Authority (NFA) na siya namang ibebenta sa mababang halaga. Matatandaang inatasan ni Pangulong Marcos Jr. ang NFA na bumili ng palay sa mga magsasaka sa mataas na buying price.
Sa kasalukuyan, sa mga mahihirap na pamilya muna iaalok ang murang bigas. Pero ayon sa Pangulo, posible pa ring mapatupad ang bente pesos per kilong bigas sa bansa. Aniya, lagi itong may chance sa oras na maging matatag ang sektor ng agrikultura at produksyon nito sa bansa.
Maraming factors sa loob at labas ng bansa na direktang nakakaapekto sa presyo ng bigas. Dahil dito, kinakailangan munang mag-adjust ng gobyerno at merkado. Siniguro naman ni Pangulong Marcos Jr. na madali na lang para sa pamahalaan na gumawa ng karagdagang aksyon para mapababa lalo ang presyo ng bigas kapag magkaroon na muli ng stable production.
Malinaw na pinagsisikapan ni Pangulong Marcos Jr. na mapababa ang presyo ng mga bilihin, partikular na ng bigas. Nariyan ang pagpapatigil sa koleksyon ng toll fees at iba pang pass-through fees sa mga sasakyang may dalang produkto, pati na rin ang patuloy na suporta sa mga magsasaka. Sa katunayan, nakapagbunga ng masaganang ani ngayong wet season ng 2023 ang pamimigay ng libreng rice seeds, fertilizers, at technical support and training ng administrasyong Marcos sa mga magsasaka sa Nueva Ecija. Dahil may sapat na supply ng bigas sa bansa, kasalukuyang inaayos ng pamahalaan ang distribution ng bigas sa pamamagitan ng pag-iimprove ang agriculture system mula sa planting, research and development, processing, distribution, marketing, at retailing. Mahigpit na parusa rin ang ibibigay laban sa smugglers at hoarders na nananabotahe ng ekonomiya.
Marami mang isyu sa bigas, confident pa rin si Pangulong Marcos Jr. na posible pa rin maipatupad ang plataporma niyang 20 pesos per kilong bigas. At ngayon, pinatunayan ng Cebu na kayang-kaya matupad ito.