Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang batas ang Republic Act No. 11964 o mas kikilalanin bilang Automatic Income Classification of Local Government Units Act.
Ginawa ang batas na ito upang mabigyan ang LGUs ng more responsive approach para sa kanilang local development.
Sa ilalim ng RA 11964, magkakaroon ng limang classifications ang LGUs ayon sa kanilang income ranges at average annual regular income.
Maituturing na First Class ang LGUs na mayroong annual average regular income na two hundred million pesos; Second Class para sa mga may taunang kita na one hundred sixty million pesos o pataas; at Third Class para sa one hundred thirty million pesos.
Maiuuri naman bilang Fourth Class ang mga munisipalidad na may annual average income na ninety million pesos o pataas at Fifth Class kung mas mababa dito.
Magsisimula ang unang income reclassification ng mga probinsya, lungsod, at munisipalidad sa ika-unang araw ng Enero.
Samantala, gagawin ang implementing rules and regulations o IRR ng Department of Finance, kasama ang Department of Budget and Management at LGU Leagues. #