Nakapag-secure si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng AI-powered weather forecasting system para sa Pilipinas.
Ito ay matapos lagdaan ng Department of Science and Technology (DOST) at ang nangungunang Artificial Intelligence (AI) Meteorology Company ng Amerika na Atmo Inc. ang memorandum of agreement (MOA) na magpapataas sa kalidad ng weather forecasting system sa bansa.
Sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit, sinaksihan ni Pangulong Marcos ang paglagda nina DOST Undersecretary Maridon Sahagun at Atmo Inc. Founder and CEO Alexander Levy sa nasabing kasunduan.
Para sa Pangulo, malaking tulong ang partnership na ito sa climate resilience ng bansa.
Matatandaang nakararanas ang Pilipinas ng humigit-kumulang 20 bagyo kada taon na nagreresulta sa matinding pinsala sa imprastraktura at agrikultura, pati na rin sa pagkawala ng mga ari-arian at buhay.