Inaasahang bibilis na ang internet sa bansa sa mga darating na araw sa sandaling ilarga na ang paggamit ng satellite para sa internet service.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang pakikipagkita sa Filipino community sa Los Angeles, California.
Sinabi ni PBBM, nagkaroon siya ng pagkakataon na malibot ang Space X facility sa Hawthorne, California at nakita nito ang potensiyal ng bansa para sa satellite broadband connectivity upang mapahusay ang koneksyon ng internet sa Pilipinas.
Dahil dito, inaasahang gaganda na ang internet dahil sa magandang resulta ng kanyang biyahe sa Amerika para sa Asia Pacific Economic Summit sa San Francisco.
Inatasan na rin ni Pangulong Marcos si Information and Communications Technology Secretary Ivan Uy na asikasuhin kaagad ang mga naselyuhang transaksiyon sa Amerika pagbalik sa Pilipinas.