Kasado na ang bawas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong Martes, Nobyembre a-bente uno.
Base sa magkakahiwalay na abiso sa publiko ng ilang kompanya ng langis, aabot sa anim na put limang sentimo kada litro ang bawas-presyo sa diesel habang pitumpu’t limang sentimo naman sa gasolina.
Magkakaroon din ng tapyas-presyo sa kerosene ang ilang kompanya ng langis na aabot sa animnapung sentimo kada litro.
Kabilang sa mga nag-anunsyo ng pagbaba sa kanilang mga produktong petrolyo ay ang Caltex, Cleanfuel, Jetti, Petro Gazz, Seaoil at Shell.
Matatandaang, nagpatupad ang mga kompanya ng langis ng bigtime rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo noong nakaraang linggo, kung saan nasa 70 centavos ang tapyas presyo sa kada litro ng gasolina, 3 pesos sa kada litro ng diesel, at 2 pesos 30 centavos naman sa kada litro ng kerosene.