Tinanghal na Season 78 Champions ng UAAP ang Far Eastern University Tamaraws matapos talunin sa do-or-die Game 3 ang UST Growling Tigers.
Nalusutan ng tamaraws ang Tigers sa score na 67-62 sa kanilang paghaharap sa MOA Arena, Pasay City, kahapon.
Liyamado ang UST sa score na 60-58 sa nalalabing isang minuto at 31 segundo sa 4th quarter nang magpakawala ng tres si Roger Pogoy ng FEU na sinundan ng fast break lay-up ni Mike Tolomia upang lumamang ang Tamaraws.
Taong 2005 pa huling nag-kampyon ang tamaraws sa senior men’s basketball habang kabuuang 37 na ang titulo ng team kabilang ang kanilang nasungkit kahapon.
By Drew Nacino