Bumagsak ng 71 percent ang kinita ng Bangko Sentral ng Pilipinas mula Enero hanggang Agosto habang tumataas ang mga gastusin sa bansa.
Batay sa datos ng BSP, nasa ₱22.91-B lamang ang kita ng naturang bangko sa nasabing panahon, na mas mababa sa ₱78.82-B noong nakaraang taon.
Sa loob ng walong buwan, tumaas ng 23.1% ang interes ng BSP sa ₱127.52-B mula sa ₱103.57-B.
Sa kabila nito, ang iba’t ibang aktibidad gaya ng trading gains o losses, fees, penalties at iba pang operating income, bukod sa iba pa ay nagtala ng pagkawala ng ₱10.4-B.