OPISYAL nang ipinakilala ang mga bagong halal na opisyal ng Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles (TFOEPE) matapos isinagawang eleksyon sa Las Piñas City nitong Linggo, Nobyembre 26, 2023 .
Nabatid na ang halalan ay dinaluhan ng mahigit 4,000 matataas na opisyal ng grupo mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sinasabing nakakuha ng 1,042 boto si Fraternal Order of Eagles President-elect Eagle Ronald Delos Santos, ang pinakamataas na boto na siyang magsisilbing ika-38 na Pangulo ng Philippine Eagles.
Itinataguyod ni Delos Santos ang unification, organizational restructuring, transparency at general appropriations act, enhanced digitization, website, at portal, eagles cooperative, global expansion ng membership, at strong partnership sa government at non-governmental organization.
Pinalitan ni Delos Santos si outgoing president Nelson Sarapuddin na ika-37 Pambansang Pangulo ng Eagles mula 2021 hanggang 2023 na nakilala bilang disaster responsive president.
Ayon kay Sarapuddin, hangad niya sa susunod na liderato na ipagpatuloy ang magagandang nasimulan ng kanyang administrasyon na nakapagpa-abot ng tulong sa mga nasalanta ng iba’t ibang kalamidad at mga nangangailangan.
Sa panayam kay Delos Santos, nangako naman ito na ipagpapatuloy ang nasimulan ni Sarapuddin.
“After this election we will work with our officers and staff para sa planong improvement ng ating organization. Tayo po ay tutulong sa poverty alleviation program ng government at lalo naming pagbubutihin para po matugunan namin at maiayos ang project,” wika niya.
Kabilang din sa mga bagong halal na opisyal sina Executive National Vice President elect Eagle Jason Masa; Vice President for Luzon elect Eagle Agaton Javier; Vice President for Visayas elect Eagle Arnold de Asis; Vice President elect for Mindanao Eagle Soliven Teo; at Board of Trustees na sina Eagle Ronnie Aquino, Eagle Emilio Ramon “ER” Ejercito, Eagle Boy “JM” Llames, at Eagle Yuri Tulawe.
Ang eleksiyon ng TFOEPE ay sinaksihan naman nina Senator Cynthia Villar, Senator Ramon “Bong” Revilla, Senator Francis Tolentino, Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, Sentor JV Ejercito, at Usec. Epimaco Densing III, Himamaylan Mayor Raymund Tongson, at Okada NCR-84 Governor Zen Turica na nakatanggap din ng pagkilala sa kanilang pinakitang ng suporta sa Philippine Eagles.
Ang TFOEPE ay itinatag sa Quezon City noong 1979 na nagtataguyod ng isang socio-civic na organisasyon na may patnubay na prinsipyo ng paglilingkod sa pamamagitan ng matibay na pagkakapatiran at ugnayang pangkapatiran sa mga miyembro nito bilang saligan ng makataong serbisyo.