Posibleng tumaas ang presyo ng liquefied petroleum gas sa Biyernes, unang araw ng Disyembre.
Sa pagtataya ng isang industry player, maaaring magmahal ng hanggang ₱1 kada kilo ang presyo ng LPG.
Gayunpaman, posible rin na walang mangyaring paggalaw sa presyo ng nasabing produkto.
Kung magkakaroon ng dagdag sa presyo ng LPG, ito na ang ikalimang sunod na buwang may pag-akyat sa presyo nito.
Matatandaang noong Agosto, umabot sa ₱4.55 ang umento sa presyo sa kada kilo ng LPG habang noong Setyembre naman, nasa ₱6.65 ang inakyat ng presyo nito sa kada kilo.
Kaugnay nito, noong Oktubre, nasa ₱3.75 kada litro ang itinaas ng presyo ng LPG, at umakyat sa ₱0.45 kada kilo ang presyo nito ngayong buwan. - sa panulat ni Charles Laureta