Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Pilipino na suportahan ang peace process sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) matapos lagdaan ng gobyerno ng Pilipinas at NDFP ang isang joint statement.
Matatandaang noong November 23, pinirmahan ng magkabilang panig ang joint communique sa Oslo, Norway. Dito, binigyang-pansin ang pangangailangan na magkaisa sa gitna ng socioeconomic at environmental issues, pati na rin ng foreign security threats.
Naniniwala ang Pangulo na matapang at makabuluhan ang naging hakbang na ito ng pamahalaan. Aniya, lagi nilang isinusulong at sinisikap na magkaroon ng isang mapayapa, maunlad, at nagkakaisang bansa.
Magugunitang nilagdaan ang joint statement upang magkaroon ng mapayapang paglutas sa armadong tunggalian.