Sa muling pagbubukas ng ekonomiya matapos ang pandemya, optimistic si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na muling babangon ang tourism sector ng Pilipinas.
Sa kanyang second State of the Nation Address (SONA) noong July 24, 2023, inilarawan ni Pangulong Marcos Jr. ang tourism sector bilang reliable pillar sa pag-unlad ng ekonomiya dahil nagbibigay ito ng kabuhayan sa higit 5 million Filipinos.
Sa speech ni Pangulong Marcos Jr. para sa opening ceremony ng 34th Philippine Travel Mart noong September 1, 2023, sinabi niya na ang whole-of-nation approach ng kanyang administrasyon ay may layong gamitin ang strengths at competitive advantages ng tourism sector upang patatagin ang economic position nito sa panahon ng revenge travel.
Tumutukoy ang revenge travel sa tendency ng isang taong mag-travel matapos manggaling sa matagal na isolation, kagaya na lang noong pandemya. Pambawi ito sa mga nawalang oras mula sa pagkakakulong sa bahay.
Ayon sa Pangulo, isinasagawa na ang mga polisiya at programang mag-uupgrade sa critical tourism infrastructure and capacity building para sa mga negosyante at manggagawa. Ibinigay rin niya ang commitment na gumawa ng wholesome climate at stable foundation sa pamamagitan ng pagkakaroon ng business-friendly environment.
Kaugnay nito, kasalukuyan ding pinapaunlad ng Department of Tourism (DOT) ang visitor experience sa pamamagitan ng iba’t ibang programa at initiatives, gaya na lang ng tourist rest areas na ilalagay sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Mayroong clean restrooms, lounge area, complete information about tourist destinations, at pasalubong centers ang tourist rest areas. Direktiba ito ni Pangulong Marcos Jr. sa ahensya.
Ayon pa kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, nakikipagtulungan ang DOT sa Department of National Defense (DND) at Department of Interior and Local Government (DILG) para sa safety and security ng mga turista. Mayroon ding partnership ang DOT at Department of Communications, Information and Technology (DICT) para sa paglalagay ng WiFi sa tourist destinations, pati na rin ng mas pinahusay na digital platform at tourist assistance call center.
Kitang-kita ang improvements sa tourism sector. Sa katunayan, nitong November 28, 2023 lang, inanunsyo ng DOT na nalagpasan na ng Pilipinas ang target nitong magkaroon ng 4.8 million international tourist arrivals bago matapos ang taon. Nakapagbigay ito ng higit sa 404 billion pesos na kita.
Hindi maikakaila ang magandang epekto ng turismo sa bansa. Sa patuloy na pagpapalakas ng administrasyong Marcos sa tourism sector, inaasahang mas tatatag ang ekonomiya ng bansa.