Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakalaya na at nasa ligtas nang kalagayan ang isa pang Pilipino na si Noralyn Babadilla na unang napaulat na bihag ng Hamas militant group.
Dahil dito, sinabi ni PBBM na lumalabas na accounted na lahat ng mga Pilipinong apektado ng kaguluhan sa Israel.
Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos sa mga otoridad sa Israel sa matagumpay na pagkakalaya ni Noralyn Babadilla at maging sa ipinagkaloob nitong tulong sa mga Pinoy sa kanilang teritoryo.
Maliban dito, labis din ang pasasalamat ng Presidente sa Egypt at Qatar sa kanilang mahalagang papel na ipinagkaloob sa mga Pilipino.
Si Babadilla ay pangalawang Pinoy sa Gaza na pinalaya ng Hamas kasunod ng paglaya ni Jimmy Pacheco makaraan ang 49 na araw. - sa panulat ni Jeraline Doinog mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)