Ibinulgar ng Land of Transportation Office sa senado na mahigit labing tatlong milyong motorsiklo ang hindi pa nakakapagparehistro.
Subalit giit ni Senator Francis Tolentino, na batay sa kanilang naunang pagdinig noong Pebrero tungkol sa panukalang amyendahan ang Motorcycle Crime Prevention Act, may apat na milyong motorsiklo lamang ang hindi nakarehistro.
Nais sanang pigain ng senador ang LTO hinggil sa detalye ng backlog sa bawat rehiyon, partikular sa Metro Manila ngunit inamin nito na wala silang impormasyon at nangakong isusumite na lamang nila ito sa senado.
Dismayado naman si Senador Joseph Victor Ejercito dahil walang maipakitang impormasyon ang mga ipinadalang kinatawan sa LTO sa nasabing pagdinig.
Inaasahan ni Senador Ejercito na makumpleto ng LTO ang kanilang records.