Asahan na bukas ang dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon sa Department of Energy, aabutin ng ₱0.25 hanggang ₱0.40 ang rollback sa kada litro ng diesel, habang tataas ng ₱0.25 hanggang ₱0.45 ang presyo ng gasolina kada litro.
Wala namang paggalaw sa presyo ng kerosene.
Giit ng DOE, na ang sinasabing oil price adjustment ay dulot ng galaw ng presyuhan ng petrolyo sa nagdaang apat na araw.