Kasado na ang panibagong tapyas-singil sa presyo ng kuryente ngayong buwan.
Ayon sa Meralco, aabot sa 79 centavos kada kilowatt hour ang nakatakdang bawas-singil sa presyo ng kuryente ngayong disyembre.
Katumbas ito ng 159 pesos na tapyas sa singil ng kuryente na kumukonsumo ng 200-kilowatt hour.
Paliwanag ng Meralco, ito’y dahil sa pagsadsad ng halaga ng kuryente sa wholesale electricity spot market.
Kaugnay nito, sa pag-aaral ng kumpanya, pumapangatlo ang Pilipinas sa may pinakamahal na singil sa kuryente sa asia na nagkakahalaga ng 17 centavos kada kilowatt hour. – sa panulat ni Charles Laureta