Binigyang palugit ng Commission on Elections o COMELEC ang kampo ni Senadora Grace Poe ng hanggang Lunes ng susunod na linggo.
Ito’y upang makapaghain ng motion for reconsideration sa naging desisyon ng COMELEC 2nd Division na nagdidisqualify sa kaniyang tumakbo sa pagka-pangulo.
Pagtitiyak ni COMELEC Chairman Andres Bautista, kanilang susundin ang tamang proseso hinggil sa usapin.
Sinabi pa ni Bautista na kanilang pag-uusapan sa En Banc ang iba pang dapat gawin tulad na lamang ng pagpapatawagng pagdinig kung kinakailangan.
By Jaymark Dagala