Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Disyembre 26 bilang special non-working day sa buong bansa.
Ito’y batay sa Proclamation No. 425 ni PBBM na nilagdaan ni Executive Sec. Lucas Bersamin.
Ayon sa pangulo, sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na maipagdiwang ang araw ng Pasko kasama ang kanilang pamilya at mga mahal sa buhay.
Maliban dito, maitataguyod din ng long weekend ang domestic tourism.
Kasabay nito, inatasan naman ng Malacañang ang Department of Labor and Employment na maglabas ng circular para sa implementasyon ng proklamasyon sa pribadong sektor. - mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)