Ipinag-utos na ni Land Transportation Office Chief, Assistant Secretary Vigor Mendoza II ang withdrawal ng interpleader case ng LTO Laban sa OMI-JKG, na supplier ng mga plaka ng sasakyan sa bansa.
Ang nasabing interpleader ang itinuturong dahilan ng tatlong taong pagka-antala ng issuance ng mga motor vehicle plates.
Inihain ito nina dating LTO Chief Edgar Galvante, Executive Director Romeo Vera Cruz at Assistant Solicitor General James Cundangan na naka-apekto rin sa mga supplier, gobyerno, lalo sa mga motoristang matagal naghintay ng kanilang plaka.
Umaksyon si Mendoza nang matukoy kung sino ang tunay na may control, hindi lamang ng mga dokumentong nagpapatunay na nagkaroon ng plate deliveries, csv files at kakayahan na i-activate ang 603 million pesos na halaga ng RFID tags at makapagbigay ng lehitimong invoices and at official receipts para sa 470 million peso na ire-release ng korte.
Sa kabila ng mga akusasyon at legal battle kaugnay sa LTO, kinaladkad naman nina Christian Calalang at Ceasar Zamoranos, si Annabelle Margaroli, na tunay na may-ari ng OMI-JKG sa issue bunsod ng tatlong taong interpleader case na tinuldukan ni Asec. Mendoza.
Nag-ugat ang kaso sa pakikipag-sabwatan ni calalang sa lto management, na binaliwala ang “irrevocable authority” Ni margaroli at kahit mayroong deed of assignment, na nilagdaan at notaryado, patunay ng kanyang ownership sa majority shares ng OMI-JKG.
Ipinunto naman ni Mendoza na pangunahing prayoridad ng lto ay tiyaking maisakatuparan ang contractual obligations, na unang ini-award sa OMI-JKG noong 2014.
Matapos ang masusing imbestigasyon sa pangunguna ni Asec. Mendoza, napatunayan na kung sino ang may-ari ng OMI-JKG sa katauhan ni Margaroli.
Ipinag-utos ng Quezon City Regional Trial Court Branch 90 kay Margaroli na magsumite ng mga kailangang dokumento sa lto.
Ang pag-acquire ni Margaroli sa majority share ng OMI-JKG ang nagpatibay sa ebidensyang inilipat sa kanya ang pag-aari ng kumpanya sa halip na kay Christian Calalang.
Ito rin ang patunay na siya ang sole signatory ng bagong bukas na land Bank of the Philippines account.
Sa kabila ng mga record na walang katibayan na nag-invest sina Calalang o Zamoranos ng kapital sa mga delivered plates, nag-ugat ang pondo mula sa lehitimong mga partners na sina Margaroli at Harinck, matapos kumpirmahin ng kanilang legal representatives.
Samantala, may mga ulat din na kinaladkad ni Calalang ang pangalan ni Executive Secretary Lucas Bersamin at ginamit ang tanggapan nito upang i-delay ang interpleader case.
Nananatili namang palaisipan kung batid ni Bersamin ang paggamit ni Calalang sa tanggapan ng executive secretary.