Nagbigay ng ultimatum si Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa Department of Agriculture at National Irrigation Administration para tapusin agad ang mahahalagang irrigation project.
Ito’y sa gitna ng banta ng El Niño na inaasahang mas mararamdaman pa sa mayo ng susunod na taon.
Sa talumpati ni Pangulong Marcos Junior sa isinagawang pagpapasinaya ng Balbalungao Small Reservoir Irrigation Projects sa Nueva Ecija, binigyan nito ng apat na buwan o hanggang Abril ang DA at NIA upang tapusin ang mga nasabing proyekto.
Mahigpit na ipinag-utos ng pangulo na tiyaking may sapat na water at power supply sa panahon ng El Niño kasabay ang pagbabago ng istruktura ng Task Force El Niño.
Kailangan kasi aniya na may partisipasyon ang lahat ng tanggapan ng gobyerno na may kinalaman sa pagtugon sa El Niño para maibsan ang epekto nito. - sa panulat ni Raiza Dadia mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)