Natukoy na ng Department of Trade and Industry o DTI ang dahilan sa pagtaas ng presyo ng ilang noche buena products.
Batay sa pagpupulong ng ahensya kasama ang mga manufacturer, nakumpirma na tumaas ang presyo ng ilang panghanda sa Pasko dahil naubusan ng supply ang ilang retailers.
Ayon kay Trade Assistant Secretary Amanda Nograles, nang magkaubusan ng paninda ay kumuha ng supply ang mga retailers sa kapwa nila retailers kaya nagkaroon na ng patong sa presyo ang mga produkto.
Gayunpaman, tiniyak ng DTI na nakontrol na ang pagtaas sa presyo ng mga noche buena items. - sa panulat ni Maianne Palma