Bagama’t magkatambal sa darating na halalan, nilinaw ni presidential aspirant Senadora Miriam Defensor Santiago na magkahiwalay ang kanilang gastos ng kaniyang running mate na si Senador Bongbong Marcos.
Ayon sa senadora, kanilang nagpagkasunduan ni Marcos na kaniya-kaniya silang gastos maging sa kanilang senatorial candidates.
Giit ni Santiago, tulad ng ibang kandidato, dedepende aniya ang kaniyang makinarya sa mga kontribusyong ibibigay ng kaniyang mga donors.
Sa kaniyang pagtaya, aabot sa kalahating milyon ang kaniyang gugugulin para sa kaniyang kampaniya kung saan, babatay naman sa kaniyang ranking sa mga survey ang mga ibibigay na ambag o donasyon sa kaniya.
By Jaymark Dagala