Ilang administrasyon na ang nagdaan, hindi pa rin natatapos ang pamamahagi ng lupa sa ilalim ng agrarian land reform program. Kaya naman nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makumpleto na ito bago matapos ang kanyang termino sa 2028.
Noong June 10, 1988, isinabatas ng pamahalaan ang Republic Act No. 6657 o Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Nilikha ang programang ito upang tapusin ang unfair land ownership practices sa pamamagitan ng paghahati ng lupa at pagbibigay ng proper documentation sa karapat-dapat na may-ari nito: ang agrarian reform beneficiaries (ARBs). Kabilang sa ARBs, farmworkers, landless owners, at tenants na nagtrabaho sa mga lupang pansakahan ng ilang taon.
Ayon sa Department of Agrarian Reform (DAR), kahit magandang istratehiya ang CARP, hindi eksperto ang mga benepisyaryo nito sa pagnenegosyo kaya naman madalas silang napagsasamantalahan. Upang maranasan ng mga benepisyaryo ang totoong reporma, nagpahiram ang World Bank ng $370 million noong 2020 bilang financial support.
Nitong December 11, 2023 naman, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang pamamahagi ng titulo ng lupa para sa ARBs sa Passi City, Iloilo. Sa kabuuan, 2,779 land titles ang nai-distribute sa 2,143 beneficiaries. Sakop nito ang higit sa 2,900 hectares of agricultural land.
Sa nasabing event, namigay rin si Pangulong Marcos ng farm machinery and equipment gaya ng tractors, mobile rice mill, corn sheller, palay reaper, at thresher sa higit 3,000 beneficiaries sa Capiz, Guimaras, at Iloilo. Nagpatayo rin ang DAR ng dalawang tissue culture facilities na may greenhouses at solar power na makatutulong sa higit 7,000 beneficiaries sa Capiz at Iloilo.
Sa patuloy na pamamahagi ng mga lupang pansakahan, pati na rin ng mga makinarya at kagamitan, mapalalakas ang mga magsasaka at mapatataas ang productivity ng lupa na siyang titiyak sa food security at economic prosperity ng bansa. Kaya naman pangako ni Pangulong Marcos, ginagawa niya ang lahat upang makumpleto ang land reform program sa ilalim ng kanyang administrasyon. Ika nga niya, “The farmers have done their part; it is now up to us in the government to do our part.”