Magsisimula na ngayong araw ang dalawang linggong tigil-pasada na tatagal hanggang December 29.
Ayon kay Manibela President Mar Valbuena, tuloy ang nasabing transport strike sa gitna ng papalapit na December 31 deadline ng pag-phase out sa mga pampasaherong jeep.
Mahigit 60,000 public utility vehicles ang maaaring ma-phase out dahil sa opisyal na kautusan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na bawiin ang mga prangkisa ng mga unit na hindi sumusunod sa consolidation requirement.
Sa ilalim ng Memorandum Circular 2023-051, babawiin sa Enero 1, 2024 ang lahat ng pansamantalang awtoridad na ibinigay sa mga indibidwal na operator at para sa mga rutang walang pinagsama-samang transport service entity. - sa panulat ni Raiza Dadia