Bumaba ng ₱40 ang farmgate price ng sibuyas sa Ilocos Region sa kabila ng demand sa sibuyas ngayong holiday season.
Ayon kay SINAG Chairman Rosendo So, dumating na ang 21,000MT imported onions dahilan para hindi tumaas ang retail price matapos umabot ito sa ₱72 per kilo nitong buwan.
Magsisimula naman ang anihan ng sibuyas sa Enero hanggang Pebrero ng susunod na taon kung saan inaasahang bababa ang retail price nito.
Ayon naman kay Bureau of Plant Industry Director Glenn Panganiban, nakatakdang dumating ang 21,000MT ng inangkat na sibuyas bago o sa mismong araw ng December 31 pagkatapos payagan ang pagbili ng 17,000MT ng pulang sibuyas at 4,000MT ng puting sibuyas. - sa panulat ni Raiza Dadia