Nilagdaan ang dalawang memorandum of cooperation sa pagitan ng Japan at Pilipinas matapos ang bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Prime Minister Office sa Tokyo, Japan.
Sinaksihan mismo ng dalawang lider ang pagpirma sa dalawang memorandum of cooperation.
Batay sa ulat ng Japan-ASEAN Summit Secretariat, ang unang memorandum of cooperation ay ang patuloy na ugnayan upang magkaroon ng maagang conclusion sa negosasyon para sa reciprocal access agreement at para mas mapaganda pa ang kooperasyon ng Philippine Coast Guard at Japanese Coastguard.
Pinirmahan mismo nina Philippine Coastguard Commandant Ronnie Gil Gavan at Japan Coastguard Commandant Ishii Shohei ang dalawang memorandum of cooperation.
Pinirmahan din ang isa pang memorandum of cooperation na nagpapalakas sa ugnayan ng Pilipinas at Japan para sa energy transition at decarbonization, maging ang pagpapatuloy at promotion ng infrastructure cooperation. - mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)