Nakakalap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kabuuang P14.5 billion investment commitments kasunod ng business event ng Department of Trade and Industry (DTI) sa idinaos na ASEAN-Japan Commemorative Summit sa Tokyo, Japan.
Maaaring makalikha ng 15,750 job opportunities ang mga nilagdaang kasunduan at pledge updates ayon sa trade officials.
Ayon kay Pangulong Marcos, maraming masasakop ang nakalap na investments, kabilang na ang mga sektor ng pangkalusugan, semi-conductors, imprastraktura, at agrikultura.
Dagdag pa ng Pangulo, makatutulong ang interes ng Japan na makipag-negosyo sa Pilipinas upang makamit ang mutual economic growth sa pagitan ng dalawang bansa.
Samantala, higit sa 20 kumpanya ang nagbigay ng updates tungkol sa investment pledges mula sa official trip ng Pangulo sa Japan nitong Pebrero ngayong taon.