Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Overseas Filipino Workers Day 2023 sa SMX, Pasay City.
Sa kanyang talumpati, kinilala ni PBBM ang hindi matatawarang kontribusyon sa bansa ng mga tinaguriang ‘modern day heroes.’
Nagsilbing highlight ng OFW Family Day ang cultural presentations, family fun activities, resource fair at raffle prizes.
Ayon naman sa Overseas Workers Welfare Administration o OWWA, isinasagawa ang ganitong aktibidad upang bigyang-pugay ang mga bagong bayani ng bansa.
Aniya, patunay ito na pursigido ang pamahalaan para suportahan ang mga masisipag na OFWs na tinitiis ang pagod at lungkot sa ibang bansa para mabigyan ng magandang buhay ang kani-kanilang pamilya sa Pilipinas. - sa panulat ni Jeraline Doinog