Tumaas ng 39% ang bilang ng mga namamatay dahil sa aksidente sa lansangan mula 2011 hanggang 2021.
Ito’y batay sa inilabas na ulat ng Philippine Statistics Authority mula 7,398 na namatay noong 2011 at umakyat ito sa 11,096.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, 84% sa mga namamatay ay lalaki habang ang aksidente sa kalsada rin ang isa sa pangunahing dahilan ng pagkasawi ng mga batang Pilipino.
Sinabi naman ni Transporration Secretary Jaime Bautista, binuo nila ang Philippine Road Safety Action Plan 2023-2028 para maisulong ang “road safety.”
Magiging mabisa aniya ang WHO Global Plan on Road Safety para sa pagpapatupad nito upang maiwasan ang pagkamatay at pagkapinsala ng mga tao sa mga aksidente.