Nag-deploy ang Philippine National Police ng nasa 64,000 tauhan sa buong bansa para masiguro ang seguridad ngayong pasko at sa bagong taon.
Ayon kay PNP Chief Major General Benjamin Acorda Jr., mae-extend ang kanilang security measures hanggang sa unang mga araw pagtapos mag-uwian ang mga biyahero mula sa kanilang bakasyon.
Matatandang, kabilang sa security measures na ipinatupad ng PNP ang random checkpoints, at paglalagay ng mga police assistance desks para makaresponde agad ang mga pulis sa emergency.
Tiniyak din ni Major General Acorda na handa ang kanilang regional offices at national headquarters na mag-deploy ng karagdagan pang pulis kung kinakailangan. – sa panulat ni Charles Laureta